Ugnayang Kapatagan-Kabundukan: Ang Atang bilang Hugpungang Pangkalinangan ng Amianan at Brgy. Bakal III, Talavera, Nueva Ecija
JESTER G. DE LEON
Abstract
This study probes the oneness and relationships of culture in the Philippines through the practice of atang, particularly in Amianan (Northern Luzon) and in one community in the province of Nueva Ecija. From the history, Nueva Ecija became one of the go-to places for Ilocanos during their migration to find a land to start a new way of life (McLennan 1980, 375). In this regard, the study focused on analyzing the set of cultural junctures from Amianan, in the settlement of the Ilocanos in Nueva Ecija, despite the difference in topography. Brgy. Bakal III in Talavera, Nueva Ecija, is an area of the Ilocano-Tagalog community located at the foot of the mountains outside Amianan. The practice of atang in Brgy. Bakal III was derived from conversations with informants who practiced and witnessed the said practice. Given the fact that atang is being practiced in Brgy. Bakal III, it signifies a sa-laud-sa-raya relationship from the topography of the Amianan highlands and the topography of the Nueva Ecija plains. From this relationship, cultural junctures are formed as both ethnolinguistic groups cultivate their own cultural distinctiveness.
Inunawa ng pag-aaral ang pagkakatulad at ugnayan ng mga kalinangan sa Pilipinas sa mukha ng pagsasagawa ng atangpartikular sa Amianan at sa isang komunidad sa Nueva Ecija. Mula sa kasaysayan, isa ang lalawigan ng Nueva Ecija sa naging dagsaan ng mga Ilokano noong kanilang pandarayuhan upang makahanap ng lupang pagsisibulan ng bagong pamumuhay (McLennan 1980, 375). Kaugnay nito, sinusuri ng pag-aaral ang nabuong hugpunan ng kalinganan mula sa Amianan, sa pagkakalagak ng mga Ilokano sa Nueva Ecija sa kabila ng pagkakaiba ng topograpiya. Isa ang Brgy. Bakal III, Talavera, Nueva Ecija sa mga pook na matatagpuan sa paanan ng kabundukan sa labas ng Amianan. Pinagyaman sa pag-aaral ang pagsusuri buhat pakikipagkuwentuhan sa mga nagsasagawa at nakasaksi ng nagsasagawa ng atang sa isang komunidad ng mga Tagalog-Ilokano sa Brgy. Bakal III. Sa pagkakaroon ng atang sa Brgy. Bakal III, naglilinaw ito ng ugnayang sa-laud-sa-raya mula sa topograpiya ng Amianan na kabundukan at topograpiya ng Nueva Ecija na kapatagan. Sa ganitong ugnayan, namumuo ang hugpungan habang kapwa naglilinang ang dalawang grupong etnolinggwistiko sariling kakanyahan.
Keywords: atang, Nueva Ecija, sa-laud-sa-raya, Amianan, low-lands
Fulltext: |
Size: |
537.19 KB | |